Church St. Josef, Kahlenberg,Vienna
Minsang ako ay naglalakad upang sunduin ang mga bata mula sa eskwela, isang matandang babae ang lumapit sa akin. Nakangiti siya kaya naman ngumiti din ako at bumati ng Guten Tag o magandang araw. Lalo siyang ngumiti at sinabing natutuwa daw siya sa mga Asyano lalo na sa mga Pilipino. “Bakit?” ang tanong ko. Sabi niya kasi daw ay laging nakangiti ang mga Pilipino, mayroon siyang kilalang mga Pilipinong nurse,yaong mga nag-alaga sa kanya. Naikwento niya na iba ang pag-aalaga ng mga Pinoy na nurse, kasi daw ay may malasakit sila…nararamdaman niya daw iyon at wala ito sa ibang nurse niya.
Ngumiti akong muli at sinabi ko sa kanya, mabuti naman po kung ganoon ang tingin ninyo sa amin…sadyang masayahin nga ang mga Pinoy…
“Oo,” ang sabi niya. “Marahil ay dala iyon ng inyong kinalakihan na isang bansang tropiko…laging maganda ang langit at bughaw, nakakalma ng damdamin….kung umulan man ay panandalian lang…hindi kagaya rito na madalas ay abo ang kulay ng langit…kaya din siguro ganoon ang mga tao, nakakahawa yata ang kulay na iyon sa lagay ng kalooban ng tao…kaya naman kapag sumikat ng kaunti ang araw ay masaya na kami at napapahalagahan namin kapag bughaw na ang langit.”aniya.
Totoo ang tinuran ng matanda.Hindi lamang yaong parte na ang mga Pinoy na nurse ay ibang mag-alaga. Masayahin tayo! At iyon ay dahil marunong tayong magpahalaga sa maliliit na bagay…isa na ang kagandahan ng kalikasan. Totoo rin ang sinabi niya tungkol sa pagiging masaya ng mga tao kapag bumughaw na ang langit. Marso, taglamig pa din pero noong Sabado ay sumikat ang araw kaya kami ay nagpasya na umakyat sa
Kahlenberg. Ito ay isang bundok na matatagpuan sa may ika-19 na distrito ng Vienna…mga 25 minuto mula sa
Heiligenstadt. Sa sakayan pa lamang ng bus ay marami ng tao…
Parang Baguio na paikot-ikot ang dadaanan papunta sa tuktok nito, mas maliit lang at mas mabilis. Pagdating sa taas, ayun, marami ngang tao ang nag-eenjoy. Makikita doon ang isang simbahan na napakalinis…ito ang St. Josef Kirche at maganda ang patsyada laban sa bughaw na langit.
Nostalgic ang lugar na ito para sa akin at sa mga kasama ko. Kasi pagdating sa terasa ay naalala namin ang Tagaytay, kung saan kaming lahat ay malapit na nakatira. Para lang kaming nakatayo sa may Taal Vista Lodge/Hotel at naghihintay na mahawi ang ulop/hamog at makikita na namin ang bulkang taal. Hindi luminaw ang hamog ng araw na kami ay nandoon…kaya naman makikita ninyo pa din sa unang litrato na parang maabo, iyon ay dahil sa ulop kaya hindi din masyadong tanaw ang kabuuan ng Vienna. Sa tagsibol ay siguradong babalik ako, at ipapakita sa inyo ang kabuuan ng Vienna sa pamamgitan ng litrato. Happy LP!
10 Comments
great series, love the mountain view!
really beautiful photos.
Onga ano, pwede rin. Kapag gloomy lagi ang panahon e gloomy din mga tao? Hehe. At parang mahirap naman talaga hindi magmalasakit sa iba.
Ang ganda ng photo montage mo! Luv it!
Happy LP!
ang husay mong managalog G!
pareho kayo ng comment ni tita thess tungkol sa weather diyan sa inyo. talagang nakakalungkot pag gray lang lagi ang paligid mo, so maswerte pa pala tayong naiinitan dito sa pinas. =)
which reminds me, ang init init na talaga dito!
nice shots. ang ganda ng ulam din
nakakataba ng puso ang makarinig ng mga ganoong kwento…ang ganda ng kulay asul na langit! maligayang LP!
Ganda talaga nang lugar nyo dyan. At ang ganda naman nang sinabi nang matanda, totoo talaga tayong mga pinoy masayahin. Dito sa lugar ko ang mga kano pag alam nila party nang pinoy alam na nila yun, na masaya. Alam nila na ang daming pagkain, may karaoke or di kaya sayawan. Kaya gusto nila party nang mga pinoy ^_^
Litratong Pinoy
wowowow!!! grabe ang galing ng tagalog! hindi ko ata kaya sumulat ng ganyan kahaba na purong tagalog! at grabe sis G, ang galing mo sa potograpiya!