heartbreaker
Isa’t kalahating taon na ang nakalipas mula ng mamaalam ang aking ama. Hanggang ngayon ay pumapatak pa din ang luha ko sa lungkot. Maraming alaala ang bumabalik kapag naiisip ko siya, ganun din kapag nakikita ko si bunso…siya kasi ang talagang kamukha na aking ama…Maraming katangian at pagkakakilanlan na pareho sa kanilang dalawa.
ladder
Sigurado akong ang litratong ito ay magiging alaala na lang din ng kabataan ng aking anak ilang taon mula ngayon. Talagang mabilis ang panahon kaya naman nagsisilbing magandang memorya ng nakaraan ang mga litrato.
Happy LP!